Showing posts with label jokes. Show all posts
Showing posts with label jokes. Show all posts

Wednesday, June 13, 2007

Jok Tym!

Pagbigyan na ninyo ako, sadyang mababaw lang talaga ako :)

Mister: Kung gagawa ako ng pelikula, gusto ko, ako si ZORRO!
Misis: E ako, sino?
Mister: Si DACOS!
Misis: Dacos? Sino 'yun?
Mister: DA COS of all my ZORROs!

----------- ---------- ------------ -- ------------ - --------

Job interview:

Boss: Ano ang alam mo?
Rommel: Alam ko po kung saan kayo nakatira ng misis niyo, at kung saan nakatira ang kabit niyo.
Boss: Tanggap ka na!

------------ -- ------------ ---- ------------ - ------------ -------
Tomas: Sobrang tabatsoy ang misis ko, kaya gusto niyang magbawas ng timbang. Nag-horseback riding siya...
Jorge:
Ano'ng resulta?
Tomas: Nabawasan ng sampung kilo 'yung kabayo!

------------ ---- ------------ --- ------------ - ------------

Ama:
Kumusta ang pag-aaral mo?
Anak:
Nag-lesson at test po kami tungkol sa mga manok.
Ama:
Ano, madali ba?
Anak:
Chicken na chicken!
Ama:
Anong grade mo?
Anak:
Itlog po.

------------ -- --------- ----------- ---------- ----------

Dalawang holdaper sa bangko:

Holdaper #1: Yehey! Mayaman na tayo!
Holdaper #2:
Bilangin mo na!
Holdaper: Alam mo namang mahina ako sa math. Abangan na lang natin sa balita kung magkano!

-------- ----------- ----------- ------------ ------------

Pasyente: Okey ba ang services sa ospital na ito?
Doktor: Oo naman. Sigurado 'yon.
Pasyente: Paano kung hindi ako satisfied?
Doktor: Ibabalik namin ang sakit mo.

------------ ------------ ------------ -- ------------ -----------
*
3 tanga nagsisiksikan sa maliit na **kama**:*
TANGA1:
Pare, di tayo kasya. Bawas tayo ng isa, sa lapag na lang matulog. (Bumaba si Tanga 1.)
TANGA2:
Ayan, pare maluwag na, akyat kana dito!

***********************

Dear Dodong,
Sa susunod anak, *Nido* non-fat na lang ang ipadala mo sa tatang mo.
Nasisira kasi ang tiyan niya sa pinadala mong *Nivea Moisturing Milk*...
Nagmamahal,
Nanay

***********************

ANAK: 'Tay , penge ng pera. May project kami. Bibili ako ng "cocomban".
TATAY: Ano ka ba naman! Hangga ngayong "cocomban" pa rin tawag mo!
ANAK:
Ano po ba ang tama?
TATAY: Bomb paper!

********************************

MISIS:
Dear, iligaw mo nga tong pusa. Nakasako na. Dalhin mo sa malayo!
MISTER:
Ok!
MISIS:
Bakit ka ginabi? Niligaw mo ba ang pusa?
MISTER:
Bwisit na pusang yan! Kundi ko siya sinundan, di ako nakauwi!

*****************************

PEDRO: Galing ako sa doktor, nakabili na ako ng hearing aid.
Grabe ang linaw ngayon nang pandinig ko!
JUAN:
Wow, galing! Magkanong bili mo sa hearing aid?
PEDRO: Kahapon lang!

************************************

At a funeral...

ERAP: Tara na, Jinggoy. Alis na tayo!
JINGGOY:
Kararating pa lang natin a!
ERAP: Naku mahirap nang maiwan. Basahin mo o:
" REMAINS WILL BE CREMATED
."
*****************************

Tanga 1: Ano bang hinahanap mo diyan sa supot ng 3-in-1 coffee.
Kanina ka pa silip nang silip diyan.
Tanga 2: Hinahanap ko ung libreng asukal. Nakasulat kasi sa karton "SUGAR FREE."

****************************

JUAN: Pare, ang bilis kong nabuo 'tong puzzle!
PEDRO: Talaga?! Gaano kabilis?
JUAN: 5 months!
PEDRO: Tagal naman!
JUAN: Tagal ba 'yun? Nakalagay nga dito: "for 3 years & up"!